^

Metro

Vendor dinedo ng 2 ‘PDEA agent’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang vendor makaraang pasukin sa loob ng kanyang bahay ng dalawang armadong suspect na nagpakilalang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pagbabarilin habang natutulog sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sa lugar­ ang biktimang si Arnold Elioso­, 39, binata, matapos na magtamo ito ng mga tama ng bala sa kanyang katawan, ayon kay SPO1 Eric Lazo, imbestigador sa kaso.

Tanging mga kasuotan lamang ng mga suspect na nakasuot ng itim na jacket, itim na pantalon, itim na helmet ang natukoy ng mga testigo.

Nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima na matatagpuan sa Rose St., Area A, Brgy. Payatas, ganap na alas-2:11 ng ma­daling-araw.

Bago ito, nasa kasarapan ng tulog ang biktima kasama ang isang Rogelio Rojo sa kanilang kuwarto nang pu­wersahang pumasok ang mga suspect na nagpakilalang mga ahente ng (PDEA).

Ilang sandali pa, isa sa mga suspect ang biglang nag­bunot ng kanyang baril at sunud-sunod na pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan, saka tumakas.

Sa imbestigasyon, na­­reko­ber sa crime scene ang anim na basyo ng bala at tatlong tingga ng kalibre 45 baril na ginamit sa krimen.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing in­sidente.

 

vuukle comment

AREA A

ARNOLD ELIOSO

BRGY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ERIC LAZO

ROGELIO ROJO

ROSE ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with