^

Metro

Lalaki itinumba sa underpass

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 40-anyos na lalaki na pina­niniwalaang mandurukot nang bistayin ng bala ng hindi pa kilalang suspect sa underpass sa tapat ng Manila City Hall (MCH) sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO3 Lester Evangelista ang biktimang si Juanito­ Delfin, tubong-Pangasinan, residente ng Gate 13, Area-B, Parola compound, Tondo, Maynila sanhi ng tinamong mga bala mula sa kalibre .45 pistola.

Dakong alas-7:20 ng umaga nang barilin ng ilang beses habang nakatalikod at naglalakad umano sa Lagusnilad sa tapat ng MCH ang biktima na nakasuot pa umano ng bagong rubber shoes, naka-maong na pantalon at puting polo.

Nang imbestigahan ni SPO1 Rommel del Rosario ang lumutang­ na si Lanie Abad, live-in partner ng biktima, inamin nito na minsan ay nandurukot ang kanyang mister at wala siyang alam na trabaho ito.

Nakakuha pa sa crime scene ng dalawang empty shells ng kalibre .45 baril.

Hinihinala ring may dalawang kasamahan ang biktima na nagsitakbuhan nang makitang bumulagta ito. (Ludy Bermudo with trainees Piney de Leon at Jamille Obeena)

 

vuukle comment

AREA-B

DAKONG

DELFIN

JAMILLE OBEENA

LANIE ABAD

LESTER EVANGELISTA

LUDY BERMUDO

MANILA CITY HALL

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with