^

Metro

Big-time ‘tulak’ timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang big-time na “tulak” nang masakote sa isang buy-bust operation kama­kalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakakulong ngayon sa Navotas City Police detention cell ang suspect na si Crisanto Lazaro alyas “Bong ulo”,  32, ng Roldan St., Bgy. Tangos, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Navotas City Police Chief Sr. Supt. Conrado Gongon, na­katanggap sila ng impormasyon na nagtu­tulak ng shabu ang suspect sa kanilang lugar na naging dahilan upang utusan nito ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID)  na magsagawa ng surveillance operation.

Nang makumpirma ang impormasyon ay agad na ikinasa ang isang  buy-bust operation ng mga tauhan ng SAID sa M. Naval St., Brgy. Tangos dakong alas-11:00 ng gabi.

Isang pulis  ang nagpanggap na bibili ng droga at nang aktong magkakaabutan ay agad na inaresto si Lazaro.

Hindi na nakapalag pa ang suspect at na­kuha sa kanya ang marked money na gi­namit sa operasyon.

 

vuukle comment

ARESTADO

AYON

CONRADO GONGON

CRISANTO LAZARO

NAVAL ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NAVOTAS CITY POLICE CHIEF SR. SUPT

ROLDAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with