^

Metro

Publiko binalaan: Ipit-Taxi gang, aktibo na naman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Pasig City Police ang publiko sa pagsakay ng taxi matapos na isang babae ang mabiktima ng kilabot na ‘Ipit-Taxi Gang’ sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Personal na dumulog sa Pasig City Police ang biktima na nakilalang si Felmar Vargas­, 31, residente ng Navy Road, Zone 4, Signal Village, Taguig City.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa tatlong­ suspek na ang isa ay ang mismong driver ng MGE taxi na sinakyan ng biktima at may plakang UWN-718.

Sa sumbong ng biktima kay SPO1 Arjohn Adriano, ng Pasig City Police, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang panghoholdap sa kanya sa kahabaan ng Lanuza St., sa Brgy. Ugong, Pasig City.

Nauna rito, sumakay umano ang biktima sa nasa­bing taxi sa Meralco Avenue at nang makaabot sa Lanuza St. ay nagulat na lamang siya nang biglang tumigil ang taxi.

Dito umano,  isang hindi nakilalang lalaki ang sumakay sa harap na upuan na kaagad na nagdeklara ng holdap.

Sapilitan umanong tina­ngay ng suspek ang mamahaling cellphone ng biktima at ang P4,000 na pera nito.

Habang hinoholdap ay nag-U-turn ang driver (suspek) pabalik ng Meralco Avenue patungo sa EDSA at nang sumapit sa Camp Crame ay isa pang suspek ang sumakay sa nasabing taxi at tinabihan ang biktima.

Muli umano nitong hinoldap ang biktima at kinuha naman ang ATM nito.

Nagtungo pa sila sa isang ATM machine at sapilitang pinag-withdraw ang biktima ngunit wala namang nakuhang pera.

Dito ay iniwan na umano ng mga suspek ang biktima saka mabilis na nagsitakas.

Kaugnay nito, iniimbes­tigahan na ng mga pulis ang insidente upang matukoy kung sino ang driver ng taxi at mga kasamahan nito na nagsagawa ng krimen.

vuukle comment

ARJOHN ADRIANO

BIKTIMA

CAMP CRAME

DITO

FELMAR VARGAS

LANUZA ST.

MERALCO AVENUE

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with