^

Metro

Nag-enrol muna bago nag-suicide: La Salle student tumalon mula 11th floor, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 18-anyos na estudyante ng St. Benilde­-De La Salle University nang tumalon mula sa ika-11 palapag ng gusali sa Malate, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Isinugod ng security guard ng nasabing unibersidad sa Manila Adventist Medical Center ang biktimang kinilalang si Jefferson Tan, 4th year student  ng Multi-Media Arts College  at residente ng  San Clemente St., Metro Cor, Las Piñas City subalit idineklarang patay ni Dr. Kristine Flores, dakong alas-6:00 ng gabi.

Batay sa imbestigasyon,  dakong alas-3:30 ng hapon naganap ang insidente makaraang sumuot ang biktima sa may ventilation ng gusali saka biglang tumalon.

Sa nakalap na impormasyon ng mga awtoridad, may problema sa kanyang thesis ang biktima na hindi ipinaalam sa mga magulang.

Nabatid na isang kaklase ng biktima ang nakakita sa ipinost sa Facebook ng nasawi na nakalagay ang “I want to commit suicide”.

Bago ang pagtalon, nagpunta umano ang biktima sa paaralan para mag-enroll  sa ika-9 at ika-10 palapag kung saan matatagpuan ang Accounting at Registrar Office, naglalakad-lakad pa sa veranda bago umakyat sa 11th floor at mula doon ay tumalon.

vuukle comment

DE LA SALLE UNIVERSITY

DR. KRISTINE FLORES

JEFFERSON TAN

LAS PI

MANILA ADVENTIST MEDICAL CENTER

METRO COR

MULTI-MEDIA ARTS COLLEGE

REGISTRAR OFFICE

SAN CLEMENTE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with