^

Metro

Taxi driver niratrat, todas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang taxi driver makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakatayo ito sa gilid ng kalsada sa Parañaque City kahapon ng mada­ling araw.

Nakilala ang nasawi na si Joel Agustin, 36, binata, residente ng no. 63 Barrio Daop-Palad, Merville, ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa katawan sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police, nakatayo sa kanto ng West Service Road at Merville Access Road ang biktima dakong alas-3:10 ng madaling-araw nang rat­ratin ng bala ng hindi pa nakilalang salarin.

Agad na tumakas ang salarin dala ang gamit na baril bago pa man nakaresponde ang mga tauhan ng barangay at Police Community Precinct-10.

Sa pahayag ng testigong si Eduardo Singson, 80, vendor, nag-aayos na siya ng mga panindang diyaryo nang marinig niya ang sunud-sunod na putok ng baril kaya’t sa takot na tamaan ng ligaw na bala ay napayuko siya kaya’t hindi niya nakita ng malinaw ang mukha ng salarin.

Nakita na lamang umano niya na nagmamadali ng tumakas ang suspect habang duguan ng nakatihaya at wala ng buhay ang biktima.

Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng kalibre .45 baril na ginamit ng salarin. Ina­alam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang.

 

vuukle comment

BARRIO DAOP-PALAD

CITY POLICE

EDUARDO SINGSON

INA

JOEL AGUSTIN

MERVILLE ACCESS ROAD

POLICE COMMUNITY PRECINCT

WEST SERVICE ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with