^

Metro

Junkshop owner patay sa holdap

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  junk shop owner ang pinagbabaril at na­patay ng tatlong kala­lakihan sakay ng isang motorsiklo matapos ang pangho­holdap sa kanyang establi­simento sa Novaliches, Quezon City kahapon.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan si  Leonilo­ Marquez, 49, ka­sunod ang panloloob sa kanyang junkshop sa Reynaldo St., Brgy. Nagkaka­isang Nayon, ganap na alas- 12:30 ng tanghali.

Natangay umano sa biktima ang tinatayang aabot sa P85,000 na pina-withdraw niya sa bangko na pambabayad sana sa mga bibilhing kalalakal.

Tatlong suspect na  nangholdap at agad na tumakas sakay ng isang motorsiklo patungong Ge­neral Luis Street.

Sinasabing nagmanman muna ang mga suspect sa lugar, habang hini­hintay ang pina-withdraw na pera ng biktima, bago sila sumalakay.

Pagkadating ng tauhan sa junkshop ay agad na iniabot ang pera sa kanilang boss saka pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng kulay asul na t-shirt at maong na pantalon saka narinig ang salitang “Pera! Pera!” bago binaril ang huli ng dalawang beses.

Bumuwal agad sa loob ng shop si Marquez, pero tinangka pang buma­ngon at habulin ang lalaki at dalawang kasamahan nito na nakasakay agad sa isang motorsiklo pero muling­ binaril hanggang sa tu­luyan na itong humandusay.

vuukle comment

BRGY

BUMUWAL

ISANG

LUIS STREET

MARQUEZ

PERA

QUEZON CITY

REYNALDO ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with