^

Metro

Operasyon ng LRT muling naantala, Kelot naglakad sa riles

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang lalaki na tila wala na naman sa kanyang sarili ang bumaba sa bagon at naglakad sa riles ng LRT Line-2 sa Pureza Station, Sta. Mesa Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Atty. Her­nando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA ang lalaki na si Expedito Trillo III, 19, residente ng Ciudad Grande Muzon, Taytay, Rizal.

Dahil dito’y pansamantala na namang  natigil ang operasyon ng LRT at nagkaroon ng tensyon sa mga naka­kitang pasahero dahil sa paglalakad ni Trillo sa riles patungo sa direksiyon ng V. Mapa Station east bound line.

Dahil sa ginawa ni Trillo ay inilagay sa ‘code yellow’ ang LRT line 2 at mabilis na hinabol ng mga guwardiya ang una para hindi siya masagasaan.

Nang mahuli si Trillo ay agad na ibinigay sa kustodiya ng mga pulis na hanggang ngayon ay tila wala pa sa kanyang sarili na posibleng may matin­ding problema sa buhay.

Makalipas ang ilang minuto ay naibalik din sa normal ang operasyon ng LRT line 2 mula sa Recto Avenue sa Maynila patungo ng Santolan Station sa Pasig City, pero si Trillo ay tila hindi pa rin bumabalik sa sarili.

 

vuukle comment

CIUDAD GRANDE MUZON

DAHIL

EXPEDITO TRILLO

MAPA STATION

MESA MAYNILA

PASIG CITY

PUREZA STATION

RECTO AVENUE

SANTOLAN STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with