^

Metro

Fetus isinilid sa timba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang fetus na tinatayang nasa edad na pito hanggang siyam na buwan ang natagpuang nakasilid sa isang timba at nakita  sa isang bakanteng lote  sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon sa ulat , ang lalaking fetus ay natagpuan ng isang Jude Rapalya, 17, sa may Mendoza St., Sitio San Roque, Brgy. Pagasa, ganap na alas -5 ng hapon.

Sinasabing nakikipaglaro si Rapalya sa dalawa niyang kaibigan sa nasabing lugar nang mapuna ang isang kulay asul na timba na nakatayo dito.

Nang kanyang tignan ay napuna niya ang isang bagay na nababalutan ng plastic bag kung saan bumulaga sa kanya ang laman nitong fetus.

Sa kasalukuyan, hawak na ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang kaso para sa gagawing pagsi­siyasat.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ISANG

JUDE RAPALYA

MENDOZA ST.

NANG

PAGASA

QUEZON

SITIO SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with