^

Metro

Bebot na binaril, itinulak sa SUV, kilala na

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang freelance model ang babaeng pinatay sa pamamaril bago itinapon papalabas ng isang ma­mahaling sasakyan sa lungsod Quezon noong Martes ng umaga.

Ito ang lumitaw sa pag­sisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District kahapon, ma­tapos na kilalanin ng kanyang kaanak ang bang­kay ng biktima na si Julie Ann Rodelas, 20, dalaga, at residente ng Bagong Lipunan St., CAA Las Piñas City.

Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng CIDU, ang biktima na isang modelo at sinasa­bing talent ng ABS-CBN ay personal na kinilala ng kanyang nanay na si Luz Polidarion-Rodelas, matapos na magtungo ito sa kanilang tanggapan at magbigay ng pahayag kaugnay sa insidente.

Sinabi ni Marcelo, bago ang krimen, nakatanggap umano ng impor­masyon ang nanay ng biktima mula sa isang ka­ibigan na ang kanyang anak ay dinukot sa harap ng World Trade Center sa  Gil Puyat Avenue, malapit sa panulukan ng Macapagal Boulevard, Pasay City.

Dagdag nito, ang biktima ay kasama ng isang Althea Altamerano, co-model nito, na umano’y nag-report na sa Police Community Precinct 1 sa Pasay City Police Station hinggil sa nangyaring pagdukot sa una.

Ang nasabing pagpapa-blotter ni Altamerano sa nasabing himpilan ay kinumpirma ng mga imbestigador ng CIDU ma­tapos makakuha ng kopya nito mula sa nasabing himpilan.

Lumilitaw na alas- 12:40 ng madaling-araw noong Nov. 6 nang ipa-blotter ni Altamerano ang nasabing pagdukot sa biktima.

Sinabi sa blotter na ganap na alas-12:30 ng madaling-araw habang naghihintay ang biktima at si Altamerano sa kanilang mga kaibigan sa harap ng World Trade Center nang biglang sumulpot ang isang Montero na hindi mabatid ang plaka at huminto sa kanilang harapan.

Mula rito ay bumaba ang dalawang hindi nakikilalang lalaki saka kinuha si Rodelas at isinakay sa kanilang sasakyan at itinakas.

Si Rodelas ay pinas­lang sa may 18th Avenue Cubao matapos na itulak ng isang lalaking sakay ng Mitsubishi Montero nitong Martes ganap na alas-5 ng umaga.

vuukle comment

ALTAMERANO

ALTHEA ALTAMERANO

AVENUE CUBAO

BAGONG LIPUNAN ST.

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

GIL PUYAT AVENUE

ISANG

SHY

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with