^

Metro

2 suspect na pumatay sa mag-amang trader, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga tauhan ng  Manila Police District sa isinagawang  follow up operation ang dalawang suspect na nanloob sa tindahan ng diaper at pumatay sa mag-amang negosyante sa Sta. Cruz, Maynila kamakailan.

Natunton sa pamama­gitan ng isang 25-anyos na nakilala sa pangalang  Ryan, na nahuli sa kasong carnapping ang  mga suspect na sina Kennerth Soto, 20, may asawa ng Sobriedad St.,Sampaloc at ang isang Juvonne Tolentino, 25. Dinakip ang mga ito kamakalawa ng gabi.

Bagama’t mariin ang tanggi nina Soto at Tolentino, isinasailalim pa rin ang mga ito sa  interogasyon  ng MPD-Crime Against Persons Investigation Section, makaraang ituga  ni ‘Ryan’ na nahuli sa kasong carnapping noong Lunes ng gabi sa Laguna Extention sa Gagalangin Tondo.

Nabatid sa ulat ni P/Supt. Ernesto Tendero Jr., Station Commander ng MPD-Moriones Police Station 2, nadakip si ‘Ryan’, sa kanilang lugar matapos karnapin ang isang motorsiklong Mio na kulay itim.

Dinala sa nasabing himpilan ng pulisya si ‘Ryan’, at sa isinasagawang follow-up operation ni Det. Ramir Dimagiba, na siyang may hawak ng kaso, nagpakita ito ng larawan kay ‘Ryan’, kung saan itinuro nito ang dalawa na umano’y sangkot sa pangloloob sa OC Cruz Store kung saan napatay ang mag-amang sina Onofre Cruz, 53 at Sierra Gutierrez, 28,  ng ng 1320 Felix Huertas St., malapit sa panulukan ng Remigio St., sa Sta.Cruz,Manila.

Matatandaang Oktubre 27 ng dakong alas-3:45 ng hapon, nang looban ng mga armadong lalaki ang tindahan ng OC Cruz Store na wholesaler ng Diaper at dishwashing liquid.

Unang nakipagbarilan si Gutierrez sa isa  mga suspect hanggang sa sumaklolo si Cruz kung saan ito  naman ang  binaril ng mga suspect.

Isa sa mga suspect din ang  napatay ng mga biktima na nakilalang si Arnold Lipon, 36 ng Cainta.

Bago tumakas bitbit ang kulay itim na backpack na naglalaman ng malaking salapi na nakulimbat ng mga ito at sumakay sa isang motorsiklo na ginamit na pang get away.

Gayunman, patuloy pa rin ang pagtugis sa isa pang suspect na nakasandong puti na tinamaan sa balikat at siya rin ang nakabaril at nakapatay sa mag-ama.

vuukle comment

ARNOLD LIPON

CRIME AGAINST PERSONS INVESTIGATION SECTION

CRUZ

CRUZ STORE

ERNESTO TENDERO JR.

FELIX HUERTAS ST.

GAGALANGIN TONDO

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with