^

Metro

Tsinoy nangulila sa pamilya, nagbigti

- Ludy Bermudo at Lordeth Bonilla - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Natagpuang nakabitin ang katawan ng walang buhay ang isang Tsinoy sa loob ng kanyang bahay, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Rolando Go, 56, ng Tondo, Maynila nang madiskubre ng barangay tanod na si Mark Macayaga, ng Brgy. 202, Zone 18.

Dakong alas-11:30 ng umaga nang natagpuang patay ang biktima sa loob ng kanyang bahay. Ani Macayaga, nagtataka siya kung bakit hindi lumalabas ang biktima simula kamakalawa, dakong alas-4:00 ng hapon, gayung madalas ito sa labas ng kaniyang bahay sa tapat ng tindahan kaya niya pinuntahan.

Naka-lock umano ang bahay nito at nang puwer­sahing buksan ay tumambad ang nakabigting biktima, gamit ang itim na nylon cord.

Isang suicide note ang nakuha sa kanyang tabi, na may halong Chinese character ang mga kataga na isinulat sa isang Chinese calendar.

Sinasabing may halong hinanakit at galit ang suicide note at habilin sa kaniyang mga anak. Nabatid na solong nabubuhay ang biktima at pinadadalhan umano ito ng suporta ng kaniyang dalawang anak na babae at lalaki na nasa Japan, matapos makipaghiwalay ang misis may limang taon na ang nakalipas.

Samantala, sa Caloocan City matinding depression umano ang dahilan kung bakit nagbigti ang isang karpintero kahapon ng umaga sa loob ng bahay nito.      

Kinilala ang nasawi na si Nelson Tengco, 48, ng Libis Nadurata ng nabanggit na lungsod. Dakong alas-4:45 ng umaga nang makitang nakabigti ng nylon cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng kapatid nitong si Araceli, 56.

vuukle comment

ANI MACAYAGA

ARACELI

CALOOCAN CITY

DAKONG

LIBIS NADURATA

MARK MACAYAGA

MAYNILA

NELSON TENGCO

ROLANDO GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with