^

Metro

Trike driver inutas dahil sa pulutan

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 47-anyos na tricycle driver­ nang sawayin nito sa pagdakot ng pulutan ang isang lalaki at undayan siya ng saksak sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Darry Asis, tadtad ng tattoo ng “Commando gang” sa katawan at residente ng Solis St., Tondo, Maynila bunga ng dalawang saksak sa tagiliran at likod.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspect na kinilalang si Teodoro Pasague, 46, ng Torres Bugallon St., Tondo na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng Solis at Jose Abad Santos St., Tondo, Maynila.

Nabatid na nakikipag-inuman lamang ang biktima sa isang Alfredo Llantino, 31, sa harapan ng bahay nito nang lumapit ang suspect at walang sabi-sabing dumakot ng kanilang pulutan. Nakikipag-inuman din sa ibang grupo ang suspect kaya sinaway siya ng biktima at nauwi sa pagtatalo bago umalis. Sa pagbabalik ng suspect ay armado na ito ng patalim at sinugod ang biktima ng mga saksak hanggang sa tumumba.

Hindi na nagawa pang tumulong ni Llantino nang tangkain siyang saksakin ng suspect at nang tumakas na ito ay dinala sa ospital ang biktima kung saan idineklarang dead-on- arriva­l.

vuukle comment

ALFREDO LLANTINO

DARRY ASIS

HOMICIDE SECTION

JOSE ABAD SANTOS ST.

MAYNILA

RONALD GALLO

SOLIS ST.

TEODORO PASAGUE

TORRES BUGALLON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with