^

Metro

2 biktima ng salvage natagpuan

Nina - Angie dela Cruz, -

Manila, Philippines -  Dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City at Quezon City.

Sa Caloocan, natagpuan kahapon ng umaga ang bangkay ng lalaki na nakahandusay sa riles ng tren at may tama ng bala sa ulo.     

Sa report ng Caloocan City Police, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-7:00 ng umaga sa Daang Bakal St., Brgy. 59 ng nasabing lungsod.

Nakitaan ng bala sa ulo ang biktima habang nakahandusay sa riles ng tren.

Samantala, natagpuan naman ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa West Fairview, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Quezon City Police, ang biktima ay tina­­tayang nasa 30 hanggang 40-anyos, nakasuot ng short pants at damit na checkered­ at nakalagay sa isang bayong sa may katawan nito ang katagang “akyat bahay ako”.

Ayon sa pulisya, dakong alas-2:11 kahapon ng ma­daling-araw nang matagpuan ang bangkay sa bahagi ng Dhalia corner Daisy St., West Fairview sa lungsod.

Sa inisyal na imbes­ti­gasyon ng QC police, sinasabi ng ilang nakasaksi na itinapon ang bangkay ng biktima mula sa isang kulay puting L300 van na hindi na naplakahan.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAANG BAKAL ST.

DAISY ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

SA CALOOCAN

WEST FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with