2 dalagita dinukot
- Doris Franche-Borja () - May 19, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dumulog sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang isang lalaki upang ireklamo ang pagkawala umano ng kanyang anak na dalagita matapos na ito ay magtungo sa kanyang kaklase kahapon.

Ang biktima na naki­lala lamang sa pangalan na “Claudine”, 13, estudyante ng San Isidro High School sa Makati City at nakatira sa Leveriza St., Pasay City, habang ang kaklase naman nito ay nakilala sa pangalang “Justine”, 13.

Base sa report ng MPD, dakong alas-7 ng umaga­. kahapon nang magtungo sa kanilang tanggapan ang ama ni Claudine na si Jonathan, mekaniko, at hu­mingi ng tulong.

Nabatid na nagpaalam umano si Claudine sa kanyang ama dakong alas-4 kamakalawa ng hapon na magtutungo sa bahay ng kanyang kaklase upang kunin umano ang kanyang card.

Makalipas ang isang araw ay nakatanggap umano ng mensahe si Jonathan mula sa anak sa pamamagitan ng cellphone at sinabing tulungan sila (mga biktima) at nasa madilim umano silang kuwarto na walang bintana at naka-lock ang pinto.

Posibleng hindi umano ito kaso ng kidnap for ransom, patuloy pa rin ang isinasa­gawang imbestigasyon.

CLAUDINE DUMULOG JUSTINE LEVERIZA ST. MAKALIPAS MAKATI CITY MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION NABATID PASAY CITY SAN ISIDRO HIGH SCHOOL
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with