^

Metro

Kinalasan ng nobyo, 16-anyos naglason

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi matanggap ang pakikipagkalas ng kanyang nobyo kaya nagdesisyong lumaklak ng lason ang 16-anyos na estudyante kamakalawa sa Malabon­ City. Idineklarang patay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Mary Jane  dela Cruz, mag-aaral sa Malabon­ National High School at nakatira sa Bernadeth St. sa Brgy.  Hulong Duhat ng nasabing lungsod. Sa ulat ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon City PNP, dakong alas-4:50  ng hapon nang mamataan ang biktima na nakahandusay sa ikalawang palapag ng ka­nilang bahay­ habang bumubula ang bibig. Ayon sa pulisya, huling­ namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang nobyo kaugnay sa pakikipaghiwalay ng lalaki. Natagpuan ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang botelya na sinasabing may lason na nilaklak ng biktima.

AYON

BERNADETH ST.

BRGY

HULONG DUHAT

MALABON

MALABON CITY

MARY JANE

NATIONAL HIGH SCHOOL

STATION INVESTIGATION DIVISION

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with