^

Metro

7 timbog sa droga

-

MANILA, Philippines - Pitong katao ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7, sa loob lamang ng isang linggo kaugnay ng iligal na droga sa iba’t ibang lugar sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni MPD-station 7 chief, Supt. Roderick Ma­riano­ ang mga dinakip na sina Marvin Rubio alyas “Putong”, 30, ng no. 460 Hermosa st,,  Tondo, may nakabinbing din warrant of arrest dito kaugnay sa kasong Illegal Possesion of Firearms; Virgilio Garcia, alyas “Bobot”, 54, ng no. 2941 Juan Luna St., Tondo; Rolando Dacanay alyas “Roland”, 21, ng no, 411 Pilapil St., Tondo­; Carlos Flores alyas “Alo/Charlie”, 42, ng no. 2553 F. Huertas St., Sta. Cruz, Maynila. 

Bukod sa kasong droga, natukoy din ito na sangkot sa pagpatay sa isang Sherwin Enriquez residente ng no.526 M. Hizon St., Sta. Cruz, Maynila nang positibong kilalanin ng ina ni Flores, kaugnay sa pamamaslang sa anak noong Agosto 16, 2011, sa tapat ng kanilang bahay. Siya ay ipinag­haharap din ng kasong murder.

Arestado din sina Djastin Lopez   alyas “DJ”, 19, ng no. 91 Int.12 Morong St., Tondo, Manila at Reynaldo Torres, 35 ng Pavia St., Tondo, sa panulukan ng J. Luna at Pavia Sts., sa Tondo. Sinampahan ng ka­song paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous  Drugs Act of  2002 ang mga suspect.

Ayon kay Mariano, agad siyang nakipag-ugnayan sa barangay hinggil sa problema sa iligal na droga at isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni Insp. Romeo Rosini, bilang bagong hepe ng SAID. (Doris Franche at Ludy Bermudo)

vuukle comment

CARLOS FLORES

CRUZ

DJASTIN LOPEZ

DORIS FRANCHE

DRUGS ACT

HIZON ST.

HUERTAS ST.

ILLEGAL POSSESION OF FIREARMS

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with