^

Metro

Extension sa tax payment sa QC, posible - Joy B

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipinahiwatig ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na posibleng maipatupad sa lungsod ang ekstensyon sa pagba­bayad ng buwis, partikular ng business tax.

Ang payment ng business tax ay hanggang Enero 20 na lamang ng taong ito.

Sa isang panayam, sinabi ni Belmonte na taun-taon naman­ ay nagkakaroon ng tsansa na ma-extend ang bayarin dito upang mabigyan pa ng palugit at panahon ang mga taxpayers na makapagbayad ng buwis nang walang kaukulang interest at penalties.

Aniya, nagpanukala na sina Councilors Julian Coseteng, Godofredo Liban II, Jesus Suntay at Eufemio Lagumbay ng urgent bill para ma-extend ng hanggang January 31, 2012 ang pagbabayad ng business tax sa lungsod nang walang surcharges at penalties.

Sinabi ni Belmonte na bubusisiin agad ng City Council ang panukalang ito upang bago sumapit ang Enero 20 at maaprubahan agad para sa kapakanan ng mga taxpayers partikular ng mga taga-lungsod.

vuukle comment

ANIYA

BELMONTE

CITY COUNCIL

COUNCILORS JULIAN COSETENG

ENERO

EUFEMIO LAGUMBAY

GODOFREDO LIBAN

IPINAHIWATIG

JESUS SUNTAY

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with