^

Metro

Dental assistant binoga ng kostumer

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang babaeng dental assistant ang nasawi makaraang barilin sa ulo ng isang lalaking nagpanggap na kostumer sa loob ng isang dental clinic sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Kristy Gene Topinio, 21, ng Roosevelt Avenue sa lungsod.

Inilarawan naman ng pulisya ang suspect na nasa pagitan ng edad 38-40, may taas na 5’6’’ at katamtaman ang panga­ngatawan.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa loob mismo ng dental clinic ng isang Dr. Felisa Chua sa No. 116 Roosevelt Avenue sa lungsod.

Sa naturang clinic umano nagta-trabaho ang biktima kung saan ang amo nito ay si Dra. Joy Castillo.

Sinabi ni Dra. Castillo, bago ang insidente, isang lalaki ang nagpunta sa kanyang klinika at napanggap na magpapalinis ng ngipin ganap na alas-5 ng hapon.

Matapos umano niya itong linisan ng ngipin ay nagpunta siya sa banyo, kung saan mula dito ay bigla na lang siya nakarinig ng putok ng baril.

Sa takot ay nagpasya si doktora na tumakbo palabas at magtungo sa katabing bahay ng dental clinic na pagmamay-ari rin ng pamilya Chua at humingi ng tulong sa barangay.

Pagdating ng mga opis­yales ng barangay ay nakita na lamang nilang nakahandusay ang duguang bangkay ng biktima malapit sa pintuan ng dental clinic.

Sinabi ni Superin­tendent Audie Madrideo, hepe ng PS2, hindi umano nila isina­santabi ang motibo ng pagnanakaw kahit na wala naman umanong nagalaw sa gamit ng biktima at ng kasama nitong dentista.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad ka­ugnay sa nasabing insidente.

vuukle comment

AUDIE MADRIDEO

AYON

CHUA

DR. FELISA CHUA

DRA

INILARAWAN

JOY CASTILLO

KRISTY GENE TOPINIO

ROOSEVELT AVENUE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with