^

Metro

2 kelot huli sa pot session

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang dalawang kalalakihan maka­raang arestuhin ng isang bouncer ng bar at dalhin sa pulisya matapos na maaktuhan ng huli ang mga una na humihitit ng marijuana habang nagsasaya sa loob ng bar sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ang mga suspect na dinala sa himpilan ng Police Station 10 ng QCPD ay kinilalang sina Ervin John Rondon, 18, ng Benitez St., Malate Manila at John Arvy Calsalvo, 19, binata ng Mabuhat St., Dasmariñas Cavite.

Sila ay inaresto ni Ivan Ignacio, 24, binata, bouncer ng Bliss Bar and Restaurant na matatagpuan sa may Tomas Morato St., corner Sct. Castor St., Brgy. Sacred Hearth sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa loob mismo ng bar ganap na alas-4 ng madaling-araw. Diumano, nasa loob ng bar ang mga suspect na binabantayan ni Ignacio nang makalanghap ang huli ng usok ng marijuana.

Agad na hinanap ni Ignacio ang pinagmulan ng naturang usok hanggang sa malaman niya na galing ito sa table 24 na pinupuwestuhan ng mga suspect.

Nang lapitan ni Ignacio ang dalawa at siniyasat ay nakita nito na nagsasagawa ng pot session ang mga ito sanhi para damputin niya at marekober ang isang glass tube na naglalaman ng hinihinalang marijuana rooting cups.

Matapos nito ay itinurn over ni Ignacio ang dalawa sa nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.

vuukle comment

BENITEZ ST.

BLISS BAR AND RESTAURANT

CASTOR ST.

ERVIN JOHN RONDON

IGNACIO

IVAN IGNACIO

JOHN ARVY CALSALVO

MABUHAT ST.

MALATE MANILA

POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with