^

Metro

Syrian national inakusahan ng rape, hinostage ang sarili

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagwala at hinostage ang sarili ng isang 38-anyos na Syrian national ma­tapos akusahan ng panggagahasa sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Inaresto ang suspect na si Mahmoud Obid, ng S. Osmeña Highway cor. F. Torres St., Singalong, Malate, Manila.

Ayon sa pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insi­dente sa bahay ng nasawi.

Nabatid na inireklamo kay Bheng Pablo, chairwoman ng Barangay 747 Zone 81, ng isang 15-anyos na dalagitang tindera na ginahasa siya ng suspect sa loob ng bahay nito.

Una umanong niyaya ng suspect ang tindera na pumasok sa kanyang bahay upang bigyan ng separation pay at sa loob umano ay kasama ng suspect ang ilang kaibigan na nag-iinuman.

Niyaya pang uminom ang biktima at nang umalis pansamantala ang ilang kaibigan, naiwan ang da­lagita at suspect at doon na siya ginahasa.

Sa pag-uwi ng bahay ay isinumbong ng biktima sa magulang ang pang­yayari hanggang sa puntahan ito ng barangay official upang arestuhin subalit nakiusap ang suspect na hihintayin muna ang misis bago sumama sa mga pulis.

Nang balikan ang suspect kasama ang mga ta­uhan ng SWAT ay lu­ma­bas ang suspect na may hawak na kutsilyo at nakatutok sa kanyang la­lamunan at sinabing mas gugustuhin nitong magpakamatay kaysa arestuhin at ikulong. Nang dumating ang misis ng suspect dakong alas-10:30 ng uma­ga ay saka lamang ito sumuko.

vuukle comment

AYON

BHENG PABLO

INARESTO

MAHMOUD OBID

MAYNILA

NABATID

NANG

SHY

SUSPECT

TORRES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with