Barangay chairman binaril, kritikal
- Danilo Garcia () - April 29, 2011 - 12:00am

Manila, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng isang lalaki matapos magreperi sa isang paliga ng basketball sa Pasay City, kamaka­lawa ng gabi. Inoobserbahan ngayon ng mga manggagamot sa Manila Sanitarium ang biktimang nakilalang si Jethro Balais, chairman ng Brgy. 73 Zone 3 sa naturang lungsod. Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala ng kalibre .38 sa kaliwang bahagi ng katawan. Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na suspek na nakilala sa kuha ng “CCTV camera” na si John Ralph Laxamana, alyas Potpot, ng Decena street, Pasay City. Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-10:30 ng gabi sa basketball court sa Leveriza St., sa naturang barangay. Nabatid na nagreperi ang biktima sa basketball at katatapos lamang ng laro nang lumapit ang suspek at dalawang beses na paputukan si Balais saka mabilis na tumakas. Nahagip naman ng nakalagay na CCTV camera ang pangyayari partikular ang paglapit at pagpapaputok ng baril ng salarin habang kinakamayan ng barangay chairman ang mga manlalaro ng nanalong koponan. Bigo naman ang mga awtoridad na maaresto ang salarin.

BIGO BRGY DECENA INOOBSERBAHAN JETHRO BALAIS JOHN RALPH LAXAMANA LEVERIZA ST. MANILA SANITARIUM PASAY CITY PASAY CITY POLICE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with