^

Metro

Lolo tumakas sa sakit, nagbigti

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Tinakasan ng isang 61-anyos na lolo ang sakit nito sa nerbiyos makaraang mag­bigti, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Idineklarang patay sa Tondo Medical Center si Oscar dela Cruz ng Bagong Kal­sada, M. Fernando St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod.

Sa police report, dakong alas-6 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito kung saan gumamit ng kumot sa pagpapakamatay.

Sa naging salaysay ng ka-live-in ng bik­tima na si Lolita Rivera, 51, kasaluku­yan silang namamahinga sa loob ng bahay nang bigla na lamang sumpungin si dela Cruz ng nervous breakdown. Agad na lumabas ng bahay si Rivera upang bumili ng gamot ngunit pagbalik nito ay nakita niyang nakabigti na si dela Cruz.

Mabilis namang nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay si Rivera ngunit hindi na rin ito umabot sa ospital.

vuukle comment

BAGONG KAL

BRGY

CRUZ

FERNANDO ST.

IDINEKLARANG

LOLITA RIVERA

MABILIS

NAVOTAS CITY

RIVERA

TINAKASAN

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with