^

Metro

Anak ni Cesar Montano, nag-suicide!

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang anak ng aktor na si Cesar Montano ma­ karaang mag­baril ito sa sarili dahil umano sa prob­lema sa pag-ibig, kaha­pon ng madaling-araw sa kani­lang tahanan sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Christian Angelo Manhilot, 23, ng Yakal St., Tivoli Ro­yale Subdivision, Brgy. Batasan Hills, sa lungsod.

Base sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Station 6, isang tama ng bala buhat sa kalibre 45 baril ang tu­ mama sa kanang sentido na naglagos sa likurang bahagi ng ulo ni Christian Angelo. Isinugod pa ito sa Gen. Mal­var Hospital pero hindi na umabot pang buhay.

Lumitaw na pasado alas- 4 ng madaling-araw nang ma­kita ng kanyang kasam­bahay na si Alicia Pancho ang bik­tima na naliligo sa sarili nitong dugo sa may kusina sa ikala­wang pala­pag ng kanilang tahanan.

Bago ito, base sa testi­monya ng kanyang mga ka­sam­bahay, si Christian Angelo ay dapat sana’y kasama ng kanyang amang si Cesar sa Bohol para sa kampanya sa pagtakbo nito bilang goberna­dor dito pero nagpa-iwan ito sa kani­lang bahay dahil birthday ng kan­yang girlfriend.

Sinasabing pasado alas- 2 ng madaling-araw ay du­ma­ting ng bahay ang na­sawi na umano’y nakainom ng alak. At makalipas ang ilang minuto ay nakarinig na lamang ang mga kasam­bahay ng biktima ng putok ng baril galing sa kusina at nang kanilang tunguhin ay doon na nakita ang naka­han­­dusay at duguang si Christian Angelo.

Agad na ipinabatid ng ka­sambahay ang insidente sa security guard ng subdi­bisyon at humingi ng tulong sa awtoridad, bago tuluyang iti­nakbo ang biktima sa nasa­bing ospital

Ayon kay Supt. Crisos­tomo Mendoza, hepe ng Batasan Police Station 6 ng QCPD, sa pagresponde nila ay natagpuan nila sa tabi ng katawan ng biktima ang kalibre 45 baril at cellphone.

Samantala, ganap na alas-9 ng umaga nang du­ma­­ting sa ospital si Montano kasama ang asawang si Sunshine Cruz, at isa pang anak na si Angela.

Ayon kay Mendoza, naki­usap ang pamilya Montano sa pamamagitan ng kan­yang abogado na huwag nang ma­im­bestigahan pa ang kaso ng anak dahil tanggap na umano nila na nag­paka­matay ito.

Kaugnay nito, sinabi na­man ni Shiela Pizarro, publicist ni Montano, nakiusap umano ang aktor sa sinu­man na huwag nang haluan ng po­li­tika ang nasabing insi­dente.

Ang labi ng biktima ay pan­samantalang inilagak sa Arlington Funeral Homes sa lungsod.

vuukle comment

ALICIA PANCHO

ARLINGTON FUNERAL HOMES

AYON

BATASAN HILLS

BATASAN POLICE STATION

CESAR MONTANO

CHRISTIAN ANGELO

CHRISTIAN ANGELO MANHILOT

MONTANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with