^

Metro

71-anyos na lola nagbigti

-

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 71-anyos na lola ang sariling buhay maka­raang magbigti ito sa loob ng kaniyang kuwarto, kama­ka­lawa ng umaga sa Muntinlupa City. Matigas nang bangkay nang madiskubre ang biktimang si Teodora Mahilom, naninirahan sa 3 Solid Mills Inc. Compound, Sucat, Muntinlupa City. 

Sa ulat ng Muntinlupa police, dakong alas-8:45 ng umaga nang madis­kubre ng kapitbahay na si Jose Dela Cruz ang biktima. Sinabi nito na napasilip siya sa bintana ng kuwarto ng matanda at nagulat nang makita ang nakabitin na katawan ni Lola Teodora. Agad na ipinagbigay-alam naman ni Dela Cruz ang nadiskubre sa mga kaanak ng nasawi at iniulat ang insidente sa pulisya.

Natag­puan naman sa kuwarto ng nasawi ang isang “suicide note” na humihingi ng kapatawaran sa kaniyang mga anak at ikinatwiran ang pagiging pabigat umano niya sa pamilya dahil sa karamdaman nito. 

Hindi naman makapaniwala ang mga kapamilya ni Lola Teo­dora na gagawin ng matanda ang pagpa­patiwakal dahil sa masaya pa umano sila nang maghiwa-hiwalay para matulog kamaka­lawa ng gabi. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DELA CRUZ

JOSE DELA CRUZ

LOLA TEO

LOLA TEODORA

MATIGAS

MUNTINLUPA CITY

SHY

SOLID MILLS INC

TEODORA MAHILOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with