^

Metro

Recruiter nasakote

-

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahen­te ng National Bu­reau of Investigation sa isang entrapment opera­tion sa isang shopping mall sa Maynila kahapon ang isang umano’y illegal recruiter na na­ngangalap ng mga Pili­pino upang mamasukang tomato-picker sa New Zealand bagaman hindi totoong may naghihintay sa ka­nilang trabaho roon.

Kinilala ng NBI ang suspek na si Ma. Dolores Racelis Nacorda, 43, alyas na “Madel Ladines Puno,” at “Lorena T. La­dines,” at residente ng Luc­ban, Quezon at Ga­bon Abon, Abucay, Bataan. (Ludy Bermudo)

MRT coach dadagdagan

MANILA, Philippines - Magdaragdag ng coaches sa linya ng MRT ang Metro Rail Transit Authority para matugunan ang buhos ng dami ng mga pasahero rito na umaabot ng kalahating milyon kada araw.   Ayon kay MRT general manager Reynaldo Berroya, nakaplano nang gawing apat ang dating 3 coaches ng MRT at paikliin sa dalawang minuto ang dating tatlong minute interval ng biyahe nito. (Angie dela Cruz)

Mekaniko dinampot

MANILA, Philippines - Isang 40 anyos na mekanikong si Arnel Valerio ng Ulingan St., Barangay Lawang Bato, Valenzuela City ang inaresto ng pulisya dahil sa umano’y panggagahasa niya sa kanilang 18 anyos na katulong na itinago sa alyas na Thelma sa loob ng kuwarto nito noong Linggo at Lunes. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARNEL VALERIO

BARANGAY LAWANG BATO

DOLORES RACELIS NACORDA

LORDETH BONILLA

LORENA T

LUDY BERMUDO

MADEL LADINES PUNO

METRO RAIL TRANSIT AUTHORITY

NATIONAL BU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with