^

Metro

7-anyos patay, ina sugatan sa hit and run

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 7-anyos na batang lalake, habang sugatan naman ang ina nito matapos na hit-and-run ng dalawang sasakyan sa lungsod ng Quezon kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Joshua Cadiz, residente sa Brgy. UP, Diliman sa lungsod. Ginagamot naman sa New Era hospital ang nanay nitong si Imelda Cadiz na nagtamo ng mga galos at pasa sa katawan.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Carlos P. Garcia Road sakop ng Brgy. UP habang ang mag-ina ay naglalakad papauwi ganap na alas-8 ng gabi nang sumulpot ang isang closed van at nasagi ang ginang.

Sa pagkakasagi sa ginang ay nawalan ito ng balanse at nabuwal. Dahil dito, nataranta ang bata at tinangkang tulungan ang ina ngunit paparating naman ang isang humahagibis na Honda CRV at masapol ito.

Sa pagkakahagip ng bata ay tumilapon ito ng ilang metro na siyang dahilan upang magtamo ito ng ma­tinding tama sa buong katawan at agad na ikinamatay nito.Habang ang dalawang sasakyan sa kabila ng sinapit ng mag-ina ay hindi man lamang huminto at tuluyang iniwan ang mga ito na nakahandusay sa kalsada. Kaya naman nanawagan ang pulisya sa sinumang maka­kita sa kulay silver na Honda CRV (XFK-766) na ipag­bigay-alam sa kanila o kaya ay kusa na itong sumuko para panagutan ang ginawa niya sa bata. Maging ang hindi naplakahang van.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad upang matukoy ang mga may-ari ng naturang mga sasakyan. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

BRGY

CARLOS P

DAHIL

DILIMAN

GARCIA ROAD

IMELDA CADIZ

JOSHUA CADIZ

NEW ERA

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with