^

Metro

Pasay police tiklo sa buy-bust

-

MANILA, Philippines - Arestado sa isinagawang buy-bust operation ang isang Pasay City police   na nakum­piskahan ng P25,000 halaga ng shabu sa isinagawang operasyon, sa Maynila.

Kinilala ni P/Supt. Romulo Sapitula, hepe ng Manila Police District-Station 3 ang nadakip na parak na si PO2 Emil Yanga Tionson na naka­talaga sa Pasay City -Police Community Precinct (PCP)-9.

Sa surveillance at mga im­pormasyong nakalap umano ng tanggapan ni Sapitula, sup­layer umano ng droga ang sus­pek sa ilang lugar sa Maynila tulad ng Sta. Cruz at Tondo kaya ibinilang siya sa watchlist bago pa naisagawa ang buy-bust operation.

Nabatid na nakipagkasundo ang suspek sa isang buyer na makipagkita sa   isang lugar na sa Juan Luna St. malapit sa panulukan ng Yuseco St., sa Tondo, dakong alas-7:45 ng gabi,  noong Miyerkules. Lingid sa kaalaman ng suspek na police asset’ ang kanyang ka-transaksiyon.

Sa puntong iyon ay agad na dinakma ang suspect na na­samsaman ng dalawang sachet ng shabu na may ka­tumbas na halagang P25,000 at ilang piraso ng drug paraphernalia.

Nabatid din na nagtangka pang tumakas ni Yanga at sa pagsibad ay nabangga pa umano ang dalawang sasakyan ng mga operatiba at kamuntik nang mabunggo ang dalawang humuhuli sa kaniya na sina PO2 Exequiel Arevalo at PO2 Marvin Flores bago tuluyang nakorner ng mga umarestong awtoridad. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

EMIL YANGA TIONSON

EXEQUIEL AREVALO

JUAN LUNA ST.

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARVIN FLORES

MAYNILA

NABATID

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with