^

Metro

Paslit nalunod

-

MANILA, Philippines - Natagpuang lumulutang kahapon ng umaga sa Pasig River sa Barangay Sto. Niño, Punta, Sta. Ana, Manila ang bangkay ng apat na taong gulang na paslit na si John Carl dela Cruz Vinegas na naunang napa­ulat na nadulas sa panghuhuli ng isdang palos hang­gang mahulog at malunod sa ilog sa tapat ng Vergara Park sa Mandaluyong City kamakalawa. (Ludy Bermudo)

Bahay ng exec naabo

MANILA, Philippines - Tinatayang P2 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok nang masunog ang bahay ng executives ng Shell Philippines na sina Ronnie at Cynthia Sarte sa San Ville Subdivision, Culiat, Quezon City kahapon ng madaling-araw. Walang iniulat na nasugatan o nasawi sa sunog. (Danilo Garcia)

Sanglaan ninakawan

MANILA, Philippines - Natangayan ng P1.4 milyong halaga ng mga alahas ang Piamonte Pawnshop sa Barangay San Roque, Marikina City nang pasukin ito ng mga hini­hi­nalang miyembro ng Acetylene Gang kama­kalawa ng gabi. Lumilitaw na winasak ng mga suspek ang bubungan ng bahay-sanglaan para mapasok ito. (Ricky Tulipat)

Major nagmura sa sekyu

MANILA, Philippines - Isang mataas na opisyal ng Philippine Air Force na sina Major Huberto Ramos ng Leangton Garden Village, Barangay San Joaquin, Pasig City at tatlo pa niyang kasamahang sundalo ang inireklamo sa pulisya dahil sa umano’y pagmumura at panunutok nila ng baril sa dalawang guwardiya ng naturang subdivision na sina Rolando Cara­mihan, 35, at Albert Tugade, 30, kahapon ng ma­daling-araw makaraang sitahin ng mga biktima ang mga suspek sa pagpasok sa naturang lugar nang walang identification card. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ACETYLENE GANG

ALBERT TUGADE

BARANGAY SAN JOAQUIN

BARANGAY SAN ROQUE

BARANGAY STO

CRUZ VINEGAS

CYNTHIA SARTE

DANILO GARCIA

JOHN CARL

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with