^

Metro

Dalagita todas sa boga ng pulis

-

Patay ang isang 13-anyos na dalagita nang mabaril ng isang pulis na natakot makuyog ng taum­bayan sa paghuli nito sa isang lalaking nagpanggap umanong pulis kamaka­lawa ng gabi sa Bolante II, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig.

Ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa Pasig General Hospital ay nakilalang si Rhodaly Ferrer, 13, grade 6 student at residente ng Bolante II Brgy. Pinag­bu­hatan ng nasabing lungsod.

Sumuko sa Pasig Police ang suspek na si PO3 Gerardo Javier ng Eastern Police District.            

Lulan si Javier ng kanyang motorsiklo nang gitgitin ng isang motorsiklo rin na minamaneho ni Juan Cayabyab. Nagkaroon ng komprontasyon sina Javier at Cayabyab na nagpa­kilala ring pulis. Nang lumitaw na hindi talaga pulis si Cayabyab, tinangkang posasan ito ni Javier, pero naglapitan na ang mga tao sa lugar at sinabing police brutality umano ang kan­yang ginagawa.

Naalarma si Javier hang­gang hugutin niya ang kanyang baril at tutukan nito ang mga tao na gus­tong tumulong kay Ca­yabyab.

Pero aksidenteng naka­labit ni Javier ang gatilyo ng baril, pumutok ito at tu­ mama ang bala kay Ferrer.

Kumaripas si Javier nang takbo at sumakay sa isang taxi dahil na rin sa takot na makuyog habang mabilis naman isinugod sa pagamutan ang biktima subalit wala na itong buhay bago pa man sumapit sa nabanggit na hospital.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Pasig City detention cell makaraang kusang-loob na sumuko. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BOLANTE

BRGY

CAYABYAB

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

GERARDO JAVIER

JAVIER

JUAN CAYABYAB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with