^

Metro

Driver minartilyo sa ulo, patay

-

Patay agad ang isang jeepney driver makaraang martilyuhin sa ulo ng hindi na­kilalang suspect nang magwala at mag­hamon ng away ang una habang lango sa alak, kahapon ng umaga sa Parañaque.

Basag ang bungo at namatay noon din sa mismong pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Raul Saban, 40,  ng Sitio Kawayan, Brgy. Moonwalk, Parañaque City sanhi ng malakas na pagkakapalo ng martilyo sa ulo.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa Sitio Kawayan St., ilang metro lamang ang layo sa bahay nito. Narekober naman ang duguang mar­tilyo hindi kalayuan sa bangkay ni Saban na sinasabing ginamit ng salarin sa pama­maslang sa kanya.

Ayon naman sa salaysay ng ama ng biktima na si Anthony Saban, nagsimula umanong uminom ng alak ang kanyang anak kamakalawa pa ng alas-10 ng gabi makaraan ang pagtatalo ng huli at asawa nito. Mga ilang oras pa ang nakalaipas ay   nagwala ang biktima at naghamon ng away kung saan narinig umano ng ma­tandang Saban na naka­sagutan ng anak nito ang suspect.

May teorya naman ang pulisya na po­sibleng binalikan ng nakasagutang lalaki si Saban na noon ay nagpatuloy pa umano sa paglalasing hanggang madaling-araw. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANTHONY SABAN

AYON

BASAG

RAUL SABAN

ROSE TAMAYO-TESORO

SABAN

SHY

SITIO KAWAYAN

SITIO KAWAYAN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with