Dagdag-pasahe binawi
Sinuspinde ng pamunuan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board kahapon ang pagpapatupad ng dagdag na P0.50 o P1 sa minimum na pasahe sa mga jeepney at bus.
Ayon kay LTFRB Chairman Thompson Lantion, nagdesisyon silang kanselahin muna ang pagtataas sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan matapos iutos ni Transportation Secretary Leandro Mendoza na busisiing mabuti ang implimasyon nito sa kasalukuyang kahirapan na nararanasan ng taumbayan.
Nakatakda sanang ipatupad bukas ang pagtaas sa pasahe.
Kaugnay nito, humingi naman ng paumanhin si Mendoza sa naturang desisyon dahil nagsasagawa na anya ang Department of Transportation and Communications ng pag-aaral sa implikasyon nito. Kasama na anya dito ang pagbusisi sa usapin ng P2 fuel subsidy at tax exemption para sa mga spare parts.
- Latest
- Trending


















