^

Metro

Jeep bumaligtad: 1 patay

-

Patay ang isang ginang, habang kritikal naman ang mister nito at malubhang nasugatan pa ang tatlo katao nang bu­maligtad ang isang pam­pasaherong jeep, kahapon ng madaling-araw sa South Luzon Expressway (SLEX).

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa South  Superhighway  Medical Center bu­nga ng pagkakaipit at pagkaka­durog ng katawan ang bik­timang si Delia Rodriguez, 52, residente ng Cabuyao, Laguna.

Agaw-buhay naman si Pelito Rodriguez, 57, mister ng nasawi na ginaga­mot din sa naturang paga­mutan.

Malubhang nasugatan at ginagamot din sa na­sabing pagamutan ang mga pasaherong sina Fe Pacleb, 54, residente ng Brgy. Bangkal, Makati  City, Edgar Rodriguez, 30 at isang kinilala sa pangalang Maria Suarez makaraang pawang magtamo ang mga ito ng matinding pin­sala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon sa pahayag ng jeepney driver na si George Matildo, 39, pa­punta sila sa Makati nang biglang mag-overtake at mag-cut sa kanilang da­anan ang isang sasakyan kung kaya’t nawalan siya ng kontrol sa manibela na nagresulta sa pagkaka­baligtad ng minamaneho nitong jeep.

Samantala,  doble-dob­leng  sakit  naman ng  ulo  ang kinakaharap ngayon ni Matildo dahil  pinasa­sagot  sa kanya ang lahat ng  ba­yarin ng mga  bikti­mang  pa­wang isinugod sa na­banggit na pagamutan. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

DELIA RODRIGUEZ

EDGAR RODRIGUEZ

FE PACLEB

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with