^

Metro

3 buwaya nasabat sa NAIA

-
Binigo ng mga alertong kagawad ng Bureau of Customs at DENR ang tangka ng isang pasahero na ipuslit sa bansa ang tatlong piraso ng Siamese crocodile at wild orchid nang masakote ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa report, ang tatlong Siamese crocodile na tinatayang may habang dalawang talampakan at nagmula pa sa Cambodia at dalawang bote ng wild orchid ay tinangkang ipuslit ng pasaherong si Enrique Yu Castillo Jr. ng Better Living, Parañaque City. Si Castillo ay dumating sa NAIA dakong alas-8:30 ng gabi noong Lunes lulan ng Singapore Airlines flight SQ-076.

Nabatid na isang impormante mula sa NAIA Wildlife Unit ng DENR ang nakipag-ugnayan sa posibleng pagdating ng nabanggit na pasahero dala ang kargamento.

Itinuturong si Castillo ang magsisilbing courier ng itinuturing na endagered species. Sa isinagawang pagsisiyasat, hindi idineklara ni Castillo ang dala nitong reptilya, sa halip sinabi nitong mga buhay lamang itong isda.

Kasalukuyang nakapiit ang suspect at pormal nang ipinagharap ng kasong paglabag sa probisyon ng Convention of International Trade of Endangered Species, habang ang nabawing buwaya ay ipinasailalim na sa pangangalaga ng DENR para sa kaukulang disposisyon. (Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BETTER LIVING

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CONVENTION OF INTERNATIONAL TRADE OF ENDANGERED SPECIES

ENRIQUE YU CASTILLO JR.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SI CASTILLO

SINGAPORE AIRLINES

WILDLIFE UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with