^

Metro

Mister iniwan ni misis nagpasagasa sa tren

-
Makaraang iwanan ng misis at mamatayan ng anak, isang 39-anyos na mister ang hinihinalang nagpatiwakal makaraang magpasagasa sa tren. kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Lasug-lasog ang katawan ng biktimang si Martin de Vera, ng 2430 PNR Site, Brgy. San Martin de Porres ng nabanggit na lungsod.

Samantala hindi pa batid ng pulisya kung anong body number ng tren na nakasagasa dito at kung sino ang operator nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Alipio Dimaano, ng Parañaque Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng madaling-araw sa bahay ng biktima sa may riles ng tren sa nabanggit na lugar.

Galing umano ang tren sa Laguna patungong Maynila kung saan nahagip at nakaladkad ang biktimang si de Vera na noon ay katatapos pa lamang makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

Napag-alaman ng pulisya na habang nakikipag-inuman ang biktima dinadaing nito ang labis niyang kalungkutan nang iwanan siya ng kanyang misis, bukod pa ang pagdadalamhati dahil sa kamamatay lamang ng anak nito.

Malaki ang paniwala ng pulisya na sinadyang magpasaga ng biktima sa tren para tapusin na ang kanyang kalumbayan.

Patuloy pa ring sinisiyasat ang insidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALIPIO DIMAANO

BRGY

LASUG

LORDETH BONILLA

MAKARAANG

MALAKI

MAYNILA

NAPAG

SAN MARTIN

TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with