^

Metro

Pumaslang sa nursing student, umamin

-
Inamin ng rape-slay suspect na si Kim Claustro Osano ang pagpaslang sa nursing student na si Jackilyn Margarette Crespo subalit itinanggi nito na ginahasa niya ang biktima, kamakailan sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinabi na suspect na pagnanakaw lamang ang kanyang pakay sa pagpasok sa bahay ng biktima sa Bayabas St., Palmera Homes Subdivision, Brgy. Kaligayahan.

Ipinagtapat pa nito na nahuli siya ni Crespo habang hinahalungkat niya ang mga gamit nito.

Katatapos lamang noong maligo ng biktima na agad na lumusob sa kanya. Dahil dito, napilitan siyang itali ang mga paa at kamay nito hanggang sa tuluyan niyang mapatay.

Nalutas ang kaso base sa nakuhang mga fingerprints sa crime scene at sa mga kalmot sa mukha at leeg na tinamo ng suspect buhat naman sa nanlabang biktima.

Samantala, hinihintay pa ng pulisya ang medical examination upang mabatid kung ginahasa nga o hindi ang biktima.

Noong nakalipas na linggo natagpuan ang bangkay ni Crespo sa loob ng kanyang kuwarto na nakatali ang paa at kamay at saka binigti ng electrical cord sa leeg. Hubo rin ang pang-ibabang saplot nito kaya hinihinalang hinalay din ang biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BAYABAS ST.

BIKTIMA

BRGY

CRESPO

DORIS FRANCHE

JACKILYN MARGARETTE CRESPO

KIM CLAUSTRO OSANO

PALMERA HOMES SUBDIVISION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with