^

Metro

Muslim leaders nanawagan ng ceasefire sa Mindanao

-
Nanawagan kahapon ang mga lider ng iba’t ibang Muslim Center sa Metro Manila kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na magpatupad agad ng tigil-putukan sa Mindanao at pag-aralang mabuti ang iba pang taktika upang masupil ang mga rebelde sa naturang rehiyon.

Ayon kay Datu Amerol Gulam Ambiong, chairman ng Metro Manila Muslim Peace and Order Coordinating Council, kailangang maitigil agad ang nagaganap na bakbakan sa pagitan ng AFP at mga rebeldeng Muslim upang mapigilan ang pagtaas ng mga nasasawing mga sundalo at mga inosenteng sibilyan.

Nanawagan din ito kay Nur Misuari, chairman ng Moro National Liberation Front (MNLF) na iutos na sa kanyang mga tagasunod na tumigil na sa pakikidigma.

Sinabi ni Ambiong na hindi solusyon ang karahasan sa problema ng mga Muslim sa Mindanao at mas nararapat na isipin ng pamahalaan kung paano lutasin ang problema ng Mindanao sa kahirapan na siyang dahilan nang pag-aaklas. (Ulat nina Danilo Garcia at Gemma Amargo)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DATU AMEROL GULAM AMBIONG

GEMMA AMARGO

METRO MANILA

METRO MANILA MUSLIM PEACE AND ORDER COORDINATING COUNCIL

MINDANAO

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

MUSLIM CENTER

NANAWAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with