^

Metro

Rookie cop timbog sa kotong

-
Isang bagitong pulis ang inaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang entrapment operation kamakailan sa Pasig City.

Si PO1 Darwin Boiser, 25, ng SPD ay kasalukuyang nasa kustodya ng Pasig City police habang inihahanda ang kasong robbery extortion at administrative case laban dito. Ito ang ika-19 na ‘kotong cops’ na nadakip kaugnay ng isinasagawang paglilinis ng NCRPO sa hanay ng pulisya.

Base sa ulat, noong nakaraang Sabado nang maaktuhan si Boiser na tinatanggap ang halagang P4,500 mula sa driver na si Marius Makilan sa may San Guillermo St., Barangay Buting, Pasig City.

Napag-alaman na humingi ng pera ang pulis sa driver dahil sa ninakaw umano ng pamangkin ng huli ang bracelet ng suspect. (Ulat nina Doris Franche at Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY BUTING

BOISER

DARWIN BOISER

DORIS FRANCHE

EDWIN BALASA

ISANG

MARIUS MAKILAN

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASIG CITY

SAN GUILLERMO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with