^

Metro

Bebot kinatay ng selosong lover

-
Dahil sa matinding selos at pagkalulong sa droga, isang babae ang pinatay ng kanyang live-in partner, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Patay na nang idating sa Quirino Memorial Medical Center ang biktima na nakilalang si Cristy Mariano, 23, ng #65 Pajo St., Brgy. Quirino 2-B ng nabanggit ding lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang suspect at live-in partner ng biktima na si Marlon Santioque, 25, tubong Pampanga.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Joseph Dino ng CPD-CIU, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Dumating ang suspect na lasing sa alak at droga at pasigaw na hinanap ang biktima na nasa loob ng bahay.

Kasunod nito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa humantong sa pananaksak ng suspect kay Mariano sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon naman sa mga kapitbahay ng biktima, madalas nilang naririnig at nakikitang nag-aaway ang dalawa at madalas na pagseselos ng suspect ang pinagmumulan ng away.

Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BRGY

CRISTY MARIANO

DAHIL

DORIS FRANCHE

JOSEPH DINO

MARLON SANTIOQUE

PAJO ST.

QUEZON CITY

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with