^

Metro

Royette Padilla nang-1-2-3 sa restaurant

-
Muli na namang nalagay sa kontrobersiya si Royette Padilla, ang nakakatandang kapatid ng Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla makaraang hindi nito bayaran ang ininom sa isang restaurant sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, pumasok sa Tikyo Restaurant and Beerhouse sa Commonwealth Avenue si Royette kasama ang dalawa pang kaibigan.

Alas-8 ng gabi nang magsimulang mag-inuman ang mga ito at inabot hanggang ala-1:45 ng madaling- araw.

Ayon kay Juliet Socoro, floor manager sa nasabing restaurant na inakala niyang pupunta lamang sa comfort room si Padilla kung kaya’t pinabayaan niya ito.

Nagsimula siyang magduda nang mawala na rin sa mesang pinag-iinuman ni Royette ang dalawa pa nitong kasama.

Umabot sa P4,108.00 ang bill ng ininom ng grupo ni Royette na hindi binayaran at tinakbuhan. Kasong estafa naman ang inihahanda laban dito. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BAD BOY OF PHILIPPINE CINEMA

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

JULIET SOCORO

QUEZON CITY

ROBIN PADILLA

ROYETTE

ROYETTE PADILLA

TIKYO RESTAURANT AND BEERHOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with