^

Metro

Obrero binoga ng tanod sa mukha, kritikal

-
Binaril sa mukha ang isang obrero ng isang barangay tanod matapos batuhin ng una ang huli habang nagpapatrulya ito kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Sa report ng pulisya, ginagamot at nasa kritikal na kalagayan sa Las Piñas District Hospital ang biktima na nakilalang si Felix Pat, residene ng Lot 22, Block 5, Marcos Alvarez Ave., Brgy. Talon 5, ng lungsod na ito. Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa kaliwang mukha.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Virgilio Villarin, barangay tanod sa naturang lugar.

Ayon kay PO2 Valentine Dam, naganap ang insidente dakong alas-4 kamakalawa ng hapon sa tapat ng 4 Brothers Videoke Bar na matatagpuan sa kahabaan ng Marcos Alvarez Ave., Brgy. Talon 5.

Nabatid na nagpapatrulya umano ang suspect sa nabanggit na lugar at mayroon itong taong huhulihin ngunit binato ito ng biktima.

Nagalit si Villarin kaya nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa kinuha ng suspect ang kanyang baril at pinaputukan sa mukha si Pat.

Mabilis na isinugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima ng ilang mga taong naroroon. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

BROTHERS VIDEOKE BAR

DISTRICT HOSPITAL

FELIX PAT

LAS PI

LORDETH BONILLA

MABILIS

MARCOS ALVAREZ AVE

VALENTINE DAM

VIRGILIO VILLARIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with