^

Metro

Ayaw papigil tinarakan ng pumipigil

-
Sinaksak hanggang sa mapatay ang isang 19-anyos na vendor ng kapwa nito vendor matapos na hindi magpaawat sa away ang una kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng isang malalim na tama ng saksak sa likod ang biktimang si Michael Dinglasan, binata, ng #25 Interior R. Valenzuela St., Marulas, ng nabanggit na lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Antonio Martinez, 22, binata, ng 35-A Tamaraw St., Marulas, matapos ang pananaksak.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng Marulas public market.

Nabatid na bago naganap ang insidente ay may nakasagutan umanong isa ring vendor ang biktima na nagngangalang Rolly Manglapus.

Pinag-aawayan nina Manglapus at Dinglasan ang hindi tamang paghahatian ng kinitang pera hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito.

Dahil dito ay agad na nagbunot ng patalim si Dinglasan at inundayan ng isang saksak si Manglapus subalit hindi ito tinamaan.

Tiyempo namang dumating si Martinez nang makita ang nag-aaway na

magkaibigan kung kaya’t agad na umawat subalit tumanggi ang biktimang paawat kaya’t napilitan ang una na bumunot ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

A TAMARAW ST.

ANTONIO MARTINEZ

DINGLASAN

GEMMA AMARGO

INTERIOR R

MANGLAPUS

MARULAS

MICHAEL DINGLASAN

ROLLY MANGLAPUS

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with