^

Metro

Magkalaguyo natagpuang patay sa van

-
Isang bangkay ng magkasintahan na hinihinalang tatlong araw nang patay ang natagpuang nangangamoy sa loob ng isang sasakyang nakaparada sa CCP Complex, Roxas Blvd., Pasay City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng Pasay City Police sa pamamagitan ng kanilang mga identification ang magkasintahang sina Rommel Paglinaoan, 23, hiwalay sa asawa at Michelle Diego, 22, kapwa nakatira sa J.P. Rizal Avenue, Bgy. Olympia, Makati. Ang mga biktima ay may saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at palo sa ulo.

Dakong alas-9:30 kahapon ng umaga nang madiskubre ang mga bangkay sa loob ng isang kulay pulang Nissan Vanette, may plakang TLT-824 na nakaparada sa harapan ng Jumbo Palace, CCP Complex.

Dahil sa umaalingasaw na mabahong amoy ay pinaligiran ng mga langaw ang nasabing sasakyan na nakatawag naman ng pansin sa ilang mga bystander kaya’t agad nilang inireport sa pulisya.

Nang buksan ng mga kagawad ng Pasay City Police ang sasakyan, bumulaga sa kanila ang bangkay ng magkasintahan.

Bago maganap ang insidente, noong nakaraang Linggo ng umaga ay nabatid na hiniram ni Paglinaoan ang nabanggit na sasakyan sa kanyang hipag at nagpaalam na may bibilhin ito sa isang department store. Samantala, si Diego ay nagpaalam naman sa mga magulang nito na bibili naman ng kagamitan para sa papasukan nitong trabaho kung saan bagong graduate lamang ito sa kursong Hotel and Restaurant Management.

Base pa rin sa parking ticket na nakita sa loob ng sasakyan, alas-9 ng umaga ng nabanggit na araw nagparada ang mga ito sa nabanggit na lugar.

Nakita sa tabi ng bangkay ng mga biktima ang isang kumpol ng bulaklak at wala namang palatandaan na ang mga ito ay pinagnakawan dahil wala namang gamit na nawawala at naroon pa sa kani-kanilang mga katawan ang mga alahas na suot.

Masusing iniimbestigahan ng mga alagad ng batas ang nabanggit na kaso at isa sa anggulong tinitingnan ay love triangle. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

JUMBO PALACE

LORDETH BONILLA

MICHELLE DIEGO

NISSAN VANETTE

PASAY CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with