^

Metro

WPD cop wanted sa robbery/holdap, murder

-
Isang miyembro ng Western Police District na matagal nang idineklarang absent without official leave (AWOL) ang inilagay na sa listahan ng mga ‘wanted persons’ dahil sa maraming kasong kinakaharap nito tulad ng paghoholdap at diumano’y sangkot sa pagpatay, makaraang makatakas sa isinagawang "police dragnet" kamakailan sa hide-out nito sa Bo. Magsaysay sa Tondo, Manila.

Si PO1 Francisco Bacunawa na dating nakatalaga sa Western Police District Civil Disturbance Management (CDM) na residente ng Masinop st., Tondo, ay matagal nang pinaghahanap ng kapwa niya pulis sa dahilang sunud-sunod na reklamo ang natatanggap ng WPD-General Assignment Section hinggil sa umano’y pangongotong o "hulidap" nito sa Tondo.

Ang nasabing kilabot na pulis ay unang nasampahan ng kasong robbery sa WPD-Station 1 subalit nakapagpiyansa at nakalaya sa kulungan.

Ang naging biktima ng naturang pulisya ay isang Arthur Cortez, 56, may asawa, ng J.P. Rizal st., Bo. Magsaysay sa Tondo. Sapilitang kinuha ang kanyang relos na Rado na nagkakahalaga ng P80,000 at nang tangkain pang kunin ang kuwintas ng una na nagkakahalaga ng P30,000 ay nanlaban na ang biktima subalit pinalo siya ng .45 kalibreng baril sa ulo hanggang sa makuha ang pakay ng suspek.

Mabilis na sumakay ito sa kulay pulang kotse at dalawa pa sa suspek na kasama ni Bacunawa ang tumakas dala ang mga alahas ng biktima.

Nang mapag-alaman ni WPD-Director Chief Supt. Avelino Razon Jr. ay agad naman itong nag-utos na tugisin si PO1 Bacunawa at sampahan ng kaukulang kaso.

Lumilitaw pa sa pagsisiyasat ng pulisya na may nakabimbin pang kasong pagpatay si Bacunawa.

Nananawagan si Razon na kung sino ang makakakita sa naturang AWOL na suspek ay agarang ipagbigay-alam sa kanyang tanggapan o pinakamalapit na presinto para sa ikadarakip nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARTHUR CORTEZ

AVELINO RAZON JR.

BACUNAWA

DIRECTOR CHIEF SUPT

ELLEN FERNANDO

FRANCISCO BACUNAWA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MAGSAYSAY

WESTERN POLICE DISTRICT

WESTERN POLICE DISTRICT CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with