^

Metro

Evacuation Center nilooban, 3 arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Evacuation Center nilooban, 3 arestado
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Tiklo ang tatlong magkakasabwat sa panloloob sa opisina ng Permanent Evacuation Center, nang matukoy at matunton sila sa tulong ng closed circuit television footage, sa Mandaluyong City, nitong Biyernes.

Sa ulat na isinumite ng mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station kay district Director P/Brig. Gen. Roman Arugay, inaresto sina alyas “Denmark,” 21 taong gulang; alyas “Robert,” 42; at alyas “Rochelle,” 45; pawang mga tambay ng Mandaluyong City.

Dumating umano ang mga tauhan ng nasabing opisina at natuklasan na nawawala ang mga kagamitan na kinabibilangan ng laptop, cellphone, mamahaling bag, at iba pa.

Nang alamin sa kuha ng CCTV ay natukoy na ang suspek na si Denmark ang pumasok sa bintana ng opisina at tumangay ng mga gamit dakong alas-12:50 ng madaling araw ng parehong petsa.

Agad na iniulat ang insidente sa mga awtoridad.

Unang natunton si Denmark sa pamamagitan ng CCTV tracking sa Barangay Addition Hills, at narekober ang nakaw na isang Coach shoulder bag.

Ikinanta rin ni Denmark ang mga kasamahan na umalis umano upang ibenta ang mga nakaw na laptop at iba pa.

Nabawi naman ang isang Acer laptop na may charger; dalawang Royu electrical extension wires; Cignus radio na may charger; PROMAC PS-2X80F speaker na may box at microphone; First Aid Kit Pouch; isang (1) Mini Tripod; isang Coach Shoulder Bag, reading glass, at wireless mouse.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with