^

Bansa

Baste walang alam sa negosyo ni VP Sara

Gemma Garcia, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Baste walang alam sa negosyo ni VP Sara
Humarap kahapon si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa ika-31 araw ng impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte sa Senate court. Nasa likuran niya si dating senator Antonio Trillanes IV na nakatakda ring tumestigo sa nasabing paglilitis.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inamin ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na hindi niya alam na ang GenCorp Industries Inc., ay isa sa mga negosyong idineklarang pag-aari ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang pag­harap sa ika-31 araw ng impeachment trial, sinabi ni Mayor Baste, na idineklara bilang hostile witness, na nalaman lamang niya ang kaugnayan ni VP Sara sa GenCorp habang sinusubaybayan ang impeachment proceedings laban dito.

Aniya, walang nakasaad sa mga dokumentong isinumite ng GenCorp sa Davao City government na pangalan ni VP Sara bilang stockholder o may-ari ng kumpanya.

Inamin din ng alkalde na bilang Head of the Procuring Entity (HOPE), siya ang may pinal na pananagutan sa mga usapin ng procurement, kabilang ang pagbibigay ng awtoridad sa ibang opisyal upang lumagda sa mga kontrata para sa kanyang tanggapan.

Gayunman, sinabi niyang wala siyang kaalaman sa nakasaad sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni VP Duterte na isa itong stockholder ng GenCorp, na nakakuha ng mga kontrata mula sa pamahalaang lungsod.

“I will not allow it,” tugon ni Baste nang tanungin ni private prose­cutor Theodore Te kung papayagan niya ang naturang sitwasyon kung ito ay kanyang nalaman.

Naipakita rin ni Te na bilang HOPE, si Mayor Baste ang may kapangyarihan sa mahahalagang yugto ng procurement process, kabilang ang pag-apruba sa Annual Procurement Plan, pagtatalaga ng mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC), at pag-apruba ng contract awards.

Batay sa talaan, ang GenCorp na idineklara ni VP Duterte sa kanyang SALN noong 2024 at 2025, ay nakakuha ng 15 kontrata mula sa Davao City government na nagkakahalaga ng P34.2 milyon. Pero nilinaw ni Mayor Baste na umabot sa 19 kontrata ang naigawad sa nasabing kumpanya. Taliwas ito sa rekord ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) na iniharap ng House prose­cution na 15 lamang.

Itinama ni Mayor Baste ang bilang ng mga kontrata nang hilingin sa kanya ni Atty. Te na kumpirmahin ang mga award na natang-gap ng GenCorp.

“You confirm, sir, that this would be 15 awards, sir?,” tanong ni Te.

“No, this is 19. It is in the statement,” sagot ni Mayor Duterte.

Nauna nang nagpatotoo si PhilGEPS Division Chief Rendell Sopeña na base sa mga rekord na nakuha mula sa government procurement portal, 15 kontrata ang iginawad ng Davao City sa GenCorp na may pinagsamang halaga na P34,216,900.

Gayunman, sinabi ni Duterte sa kanyang pahayag noong Set­yembre 21 na may 19 transaksyon ang Davao City sa GenCorp na may pinagsamang halaga na P33,263,161. Apat na kontrata ang dumaan sa competitive public bidding habang 15 ang isinagawa sa pamamagitan ng small-value procurement.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with