^

Bansa

Hirit ni Revilla na mag-inhibit hukom ibinasura ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hirit ni Revilla na mag-inhibit hukom ibinasura ng Sandiganbayan
Sa resolusyong may petsang Setyembre 24, sinabi ng anti-graft court na walang sapat na batayan ang kahili­ngan ni Revilla at iginiit na dapat ipagpatuloy ni Justice Miranda ang pagdinig ng kaso.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang mosyon ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na ipa-inhibit si Third Division Chairperson at Associate Justice Karl Miranda sa pagdinig ng kanyang P92.8 mil­yong malversation case na may kaugnayan sa flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sa resolusyong may petsang Setyembre 24, sinabi ng anti-graft court na walang sapat na batayan ang kahili­ngan ni Revilla at iginiit na dapat ipagpatuloy ni Justice Miranda ang pagdinig ng kaso.

Ayon sa Sandiganba­yan, bagama’t naging abogado ng state witness na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ang kapatid ni Justice Miranda na si Atty. Buenaventura Miranda, nabigo si Revilla na patunayan na may ginawang hindi nararapat ang mahistrado na magiging dahilan upang siya ay alisin sa kaso.

Matatandaang ibinasura rin ng korte ang pahayag ni Revilla na itinuring umano ni Justice Miranda bilang ganap na katotohanan o “gospel truth” ang testimonya ni Bernardo matapos tutulan ng mahistrado ang desisyon ng dibisyon na pagbigyan ang kanyang petisyon para sa piyansa.

Dagdag pa ng anti-graft court, ang hindi pagsang-ayon ni Justice Miranda sa naging pasya ng mayorya ng dibisyon na pagkalooban ng piyansa si Revilla ay hindi nangangahulugang walang batayan o haka-haka lamang ang kanyang mga naging obserbasyon.

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with