^

Probinsiya

2 ‘gun runner’ bulagta, pulis sugatan sa shootout!

Jorge Hallare, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 ‘gun runner’ bulagta, pulis sugatan sa shootout!
Kinilala lang ang mga nasawing suspek sa mga pangalang “Josef” at “Erwin”; pawang nasa hustong gulang at residente sa lugar.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng gunrunning syndicate ang patay habang isang pulis ang sugatan matapos na mauwi ang ikinasang gun buy-bust operation sa shootout sa Brgy. Rawis, Legazpi City, Albay kama­kalawa.

Kinilala lang ang mga nasawing suspek sa mga pangalang “Josef” at “Erwin”; pawang nasa hustong gulang at residente sa lugar.

Sa ulat ni Albay Provincial Police Office Director P/Col. Noel Nuñez, naganap ang shootout  dakong alas-4 ng hapon sa Purok 5, Brgy. Rawis ng lungsod.

Ayon kay Nuñez, nagsagawa ng buy-bust ope­ration ang kaniyang mga tauhan laban sa grupo ng mga suspect na sangkot sa illegal na pagbebenta ng armas.

Gayunman, habang isinasagawa ang transaksiyon sa pagbili ng cal. 45 pistol sa halagang P21,000, nakatunog umano ang mga suspect na undercover agent ng pulisya ang kanilang ka-deal kaya agad silang nagpaputok ng baril na nagresulta sa shootout.

Sa kasagsagan ng barilan, magkasunod na bumulagta ang dalawang suspect at sa insidente habang mabilis na nagsitakas ang kanilang kasamahan.

Sinabi ni Nuñez, isa sa kaniyang mga tauhan ang tinamaan ng bala sa likurang bahagi ng katawan at mabuti na lamang ay nakasuot ng bulletproof vest.

Nasa maayos na aniyang kondisyon sa pagamutan ang nasabing pulis.

Base sa report, bukod sa illegal na pagbebenta ng armas at illegal na droga ay sangkot ang mga suspect sa mga nakawan sa mga lungsod ng Legazpi at Ligao; gayundin sa mga lalawigan ng Sorsogon, Camarines Sur at Batangas.

Narekober sa operasyon ang isang cal. 45 pistol at isang cal. 38 revolver mula sa mga napaslang na suspek.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with