^

PM Sports

La Salle puwede pa sa twice-to-beat

Elech Dawa - Pang-masa
La Salle puwede pa sa twice-to-beat
Dumiskarte si Jacob Cortez ng La Salle para makawala kay Jacob Bayla ng UP.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Lumakas ang tsansa ng De La Salle University na madepensahan ang kanilang titulo matapos nilang panain ang 88-80 panalo laban sa University of the Philippines kagabi sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum.

 Dahil sa panalo, sinaluhan ng Green Archers ang Far Eastern University Tamaraws sa No. 3 sa team standings upang lumapit sa tuktok kung saan ay mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage ang top two teams pagkatapos ng elimination round. 

Dikitan ang naging labanan sa kaagahan ng laro pero kumawala ng bahagya ang Green Archers upang hawakan ang five-point lead, 23-18 sa pagtatapos ng first canto.

Nanatili ang mahusay na laro ng DLSU sa second period kaya naman nasa unahan pa rin sila, 42-37 sa halftime at sa third quarter ay mas nagliyab ang kanilang opensa para lumobo sa 13 puntos ang kanilang lamang, 66-53 papasok ng final canto.

Naging maingat ang Green Archers sa mga sumunod na plays kaya naman nasilo nila ang importanteng panalo.

Sa kabilang banda, lumapit sa asam na makapasok sa Final Four ang Far Eastern University matapos nilang suwagin ang 85-63 panalo kontra National University sa unang laro.

Napaganda ng FEU ang kanilang karta sa 8-5 upang palakasin ang kapit sa pangatlong puwesto sa team standings at makasiguro ng playoff para sa final four berth.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with