Marielle, goal maka-collab sina Sarah G, Gary, Juans!

MANILA, Philippines – Patuloy na naabot ni Marielle Montellano ang kanyang pangarap at isa na nga rito ang kanyang first major concert niyang Most Requested, na gaganapin sa Nov. 29, 2026, sa New Frontier Theater.
Sa recent Star Magic Spotlight press conference, binalikan ng Tawag ng Tanghalan Duet at Your Face Sounds Familiar champion ang kanyang humble beginnings at ang mga oportunidad na dating pangarap lang niya.
“Masaya po. Kasi ‘yung mga bagay na ‘to, kung anong meron po ako ngayon, dati pinapangarap ko lang,” pagbabahagi ni Marielle.
Nang tanungin kung ano ang aabangan sa kanyang concert, “‘Yung mga songs ko naman, syempre, you can expect beautiful songs, really beautiful songs,” aniya.
Aside from performing on the concert stage and reaching a wider audience, isa rin sa goals ni Marielle ang makapag-release pa ng original songs at makatrabaho ang kanyang mga iniidolo. “Lagi ko pong sinasabi sa mga interviews ko, Sarah G, Sir Gary (Valenciano), and I love The Juans. I love their music din po, so maybe soon,” pagbabahagi niya nang matanong tungkol sa kanyang dream collaborations.
Mula sa simpleng pangarap hanggang sa unti-unting nakakamit na tagumpay, marami pa siyang gustong matupad sa kanyang karera.
Sa Most Requested, handang-handa na si Marielle na ibahagi ang kanyang musika sa kanyang mga tagasuporta.
- Latest
























